Tuesday, September 17, 2013

UGNAY

magkaiba man
ng panahon
sa pakikibaka

magkaiba man ang antas
ng ating pakikidigma

pinag-ugnay naman tayo
ng mga mumunting alaala
ng prinsipyong kailanman
ay hindi natin tinalikdan
at tatalikdan

pinaghiwalay man tayo
ng kasalukuyang panahon

Alaala mo ay mananatili
saan ka man pumaroon

RMP
9/10/2013

No comments:

Post a Comment