Sunday, July 16, 2017

DESAPARECIDO

Nagsimula nung martial law
Patuloy pa rin kay Ramos at Aquino
Walang nagawa si Estrada
Dinagdagan pa ng rehimen ni Gloria
Wala ring ginawa si Pnoy
Dugo patuloy ang pagdaloy
At ngayon tokhang ay dumagdag pa
Ang EJK lumang tugtugin na

Desaparecido
Forced disappearance ang tawag dito
Nawawala kaaway ng estado
Nasa order of battle ay namumuro
Desaparecido
Kapag kumontra ay delikado
Marami na ang mga naglaho
Wala pa ring sagot ang gobyerno

Wala pa ring hustisya
Sa nawawalang mga biktima
Dumaan na ang ilang dekada
Ang mga salarin nasa laya pa
Madaling sabihin na kalimutan
Kung hindi ikaw ang nawalan
Matatanggap mo ba ang kabayaran
Kung buhay ang kanilang inutang?

Desaparecido
Forced disappearance ang tawag dito
Nawawala kaaway ng estado
Nasa order of battle ay namumuro
Desaparecido
Kapag kumontra ay delikado
Marami na ang mga naglaho
Wala pa ring sagot ang gobyerno

RMP
7/15/2017
Winnipeg MB Canada