Tuesday, November 29, 2022

OVERWORKED (Overdrive Parody)

Magwowork ako kahit bagyo
Magwowork ako kahit double
Magwowork ako hanggang may lakas
Work pa rin kahit retirement mareach

Itatama ko schedule ko
Itatama ko kahit hindi ko na gusto
Dahil kailangan ang trabaho
Basta't may open magbabanat ng buto

Magpapala ako ng buhangin
Baon ko ay itlog at lugaw
Magwowork ako hanggang sa wakas
Magwowork ako hanggang sa pumanaw

Magwowork ako taun-taon
Magwowork ako habambuhay
Magwowork ako hanggang mabuwang
Please, please lang tulungang humanap ng work

Gusto kong magwork nang magwork (kahit pa ito’y doble-doble)
Gusto kong magwork nang magwork (kahit na walang merienda)
Mag-work, work, work
Mag-work..
Mag-work..
Work...
Work...
Work...
Work...

Petiks muna…

RMP
11-29-22
Winnipeg MB Canada

Saturday, November 26, 2022

Kahit Maliit Lang Ang Pensiyon Ko (Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko Parody)

Verse 1:
Kung ako’y matanda na
Sana'y wala ako sa Hospicio
Akay man, sa wheelchair man
May makasama ako

Chorus 1:
Makuha pa kaya ninyong ako’y hagkan at yakapin, hmm...
Kahit walang mamanahin
Nagtatanong lang ako, ako kaya’y alagaan nyo
Kahit maliit lang ang pensiyon ko

Verse 2: 
Pagdating ng araw ang aking tuktok
Mapapanot na rin
Ang pagkilos ay mahirap
Naka diaper na rin

Chorus 2:
Ang paghuhugas di na pwedeng pilitin, hmmm...
Manginginig na ang kamay ko
Ang aking pagsamo na sanay makasama kayo
Kahit maliit lang ang pensiyon ko

Ang paghuhugas di na pwedeng pilitin, hmmm...
Manginginig na ang kamay ko
Ang aking pagsamo na sanay makasama kayo
Kahit maliit lang ang pensiyon ko
Kahit maliit lang ang pensiyon ko

RMP
11-25-22
Winnipeg MB Canada





Tuesday, November 22, 2022

TAO by Sampaguita (A PARODY)

Kulang ang limang libo
Pera mo ay lilipad
Gastos ay lumalabis
Pag sa mall ka napadpad
Isip ay nalilito
'Pag may display na bago
Sapatos na bagong uso
Ay isang malaking tukso

Cash ay hindi kasya
Card hinahagilap
Ayaw mang mangyari
Utang ay dadami

Sang kaskas mo lamang
Solved na ang babayaran
Budget ngayo’y kulang
Sino ba may kasalanan?

Tuloy pa ang ikot mo
May binabalak ka pang iba
Di pa rin makaiwas
Sa may sale rin ang punta

Sang kaskas mo lamang
Solved na ang babayaran
Budget ngayo’y kulang
Sino ba may kasalanan?

Kulang ang limang libo
May budget na madadamay
Nakuha man ang ‘yong nais
Nakarating ka na naman sa bumbay

RMP
11-22-22
Winnipeg MB Canada