Tuesday, October 25, 2022

HULING EL BIMBO (OFW Version)

Kailangan nang magpaalam
Kahit na ayaw mo pa
At ang hirap-hirap bumitaw
Sa anak at ‘yong asawa
Ngunit ang sakripisyo
Ay kailangan mo nang itodo
Nakakaiyak, nakakabaliw
Pag lumipad na ang eroplano

[Pre-Chorus]
Paglapag mo sa airport ay tatawag ka sa inyo
At buong maghapon pag-iyak lang ang alam mo

[Chorus]
Magkahawak ang mga kamay
Bunso’y walang kamalay-malay
Na dinudurog man ang puso mo
Pero kailangan nang mawalay

[Verse 2]
Masakit ang iyong katawan
Pero kailangang kumita
Panay OT ang diskarte mo
Para laging may padala
Lumiliwanag ang buhay
Pag nakauwi ka na sa bahay
Dahil lalo nang dumadalas ang kontak mo
Mapa chat man o video

[Pre-Chorus]
Kahit malayo man ang mensahe nila sa iyo
Ikaw ang nasa puso at yan naman ay ramdam mo

[Chorus]
Magkahawak ang mga kamay
Bunso’y walang kamalay-malay
Na dinudurog man ang puso mo
Pero kailangan nang mawalay

[Interlude]
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la

[Verse 3]
Lumipas ang maraming taon
Malapit nang magkita
Balita ko’y may ipon ka na
At tapos na ang ‘yong kontrata
Pilipinas na raw pa landing na dyan sa NAIA
Hindi makali, nasaan na ba
Hayun tanaw na ang iyong pamilya

[Pre-Chorus]
Lahat ng pangarap mo’y bigla lang luminaw
Sa panaginip mo lang kasi sila natatanaw

[Chorus]
Magkahawak ang mga kamay
Bunso’y walang kamalay-malay
Na dinudurog man ang puso mo
Pero kailangan nang mawalay

Magkahawak ang mga kamay
Bunso’y walang kamalay-malay
Na dinudurog man ang puso mo
Pero kailangan nang mawalay

[Outro]
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la

RMP
10-25-22
Winnipeg MB Canada

LIGAYA PARODY (Canada Utang Version)

Ilang winter pa ang susuungin, o giliw ko?
Ilang utang pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Ilang oras pa ba ang dapat na idagdag ko
'Di man lang yata nagbubunga ang paghihirap ko

Ilang shifts pa ba ang tatapusin, o giliw ko?
Ilang VL pa ba ang gagamitin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat, para may pang Costco
Pandagdag lang sa income ang hinahanap ko

Makabayad lang tayo
Aking sinta'y, walang humpay na ligaya

At asahang, magsusumikap pa
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag lang sanang matanggal, madisgrasya
Dahil pag may utang malaking pangamba
Pano tayo mabubuhay ng tahimik, at buong ligaya

Instrumental…

Ilang limit pa ba ang aabutin, o giliw ko?
Ilang bills pa ba ang hahatiin, o giliw ko?
'Di naman tayo mayaman tulad nang iba
Ipinangako ko sayo ay uutangin pa

Makabayad lang tayo
Aking sinta'y, walang humpay na ligaya

At asahang, magsusumikap pa
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag lang sanang matanggal, madisgrasya
Dahil pag may utang malaking pangamba
Pano tayo mabubuhay ng tahimik, at buong ligaya

At asahang, magsusumikap pa
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag lang sanang matanggal, madisgrasya
Dahil pag may utang malaking pangamba
Pano tayo mabubuhay ng tahimik, at buong ligaya

At asahang, magsusumikap pa
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag lang sanang matanggal, madisgrasya
Dahil pag may utang malaking pangamba
Pano tayo mabubuhay ng tahimik, at buong ligaya

RMP
10-24-22
Winnipeg MB Canada