Wednesday, September 4, 2013

MOUSE

nakadampi ang mga daliri
sa magkabilang pisngi
habang ginagalaw
mga mata ang saksi

paling sa kaliwa
paling sa kanan
taas at baba
ang galaw kadalasan

ang bilog sa gitna
na bahagyang nakalitaw
hintuturo o panggitnang
daliri ang gumagalaw

matambok na hugis
tamang tama sa kamay
palaging pinipindot
minsa’y nakakangalay

sa madalas na gamit
maaaring malaspag
lalo na kung gamit
maghapon at magdamag

RMP
09/03/2013


No comments:

Post a Comment