Saturday, May 28, 2022

DITO SA AMING BAYAN (Pitong Gatang Post-Election PARODY Lyrics)

Yodelehihoo
Adedelehiyo
Adedelehode
Doledidi

Yodelehihoo
Adedelehiyo
Adedelehode
Doledidi

Dito sa aming bayan
Kahit tapos na'ng halalan
May mga bagay bagay kayong malalaman
Kalimitan ay tsismis, may mapag-usapan lang
Yo de le hi ho,
kundi labis, sobrang kulang

May online na tambayan
Doon sila nagbabakbakan
Bawat post talagang di palalamang
Dito ay nagsasalpukan
Mga naghahanap ng away
Para sa kandidatong minamahal

Kalimitan ay tsismis, may mapag-usapan lang
Yo de le hi ho,
kundi labis, sobrang kulang

Mayroong mga tao
Die hard sa kandidato
Kahit ano mangyari hindi patatalo
Kung hindi kanila kasapi
at iba ang iyong ibinoto
Malamang sabihan ka na ika’y bobo

Kalimitan ay tsismis, may mapag-usapan lang
Yo de le hi ho,
kundi labis, sobrang kulang

Yodelehihoo
Adedelehiyo
Adedelehode
Doledidi...

Yodelehihoo
Adedelehiyo
Adedelehode
Doledidi...

Mag-isip daw ay malalim
Winners daw ang nasa tiket
Panay pasaring ang maririnig
Kahit kasama ka sa bahay
Hindi ligtas kapag nagalit
Kung ano ang gusto siyang ipipilit

Kalimitan ay tsismis, may mapag-usapan lang
Yo de le hi ho,
kundi labis, sobrang kulang

Timeline ay ginagamit
Kahit source ay mayrong sabit
May mga tira pa ngang kathang isip
Naghahanap pa ng damay
Mga mata ay nanlilisik
Kapag nakorner naman sabay kabig

Yodelehihoo
Adedelehiyo
Adedelehode
Doledidi...

Yodelehi, yodelehi,
Oh ho yodelehihi
Oh ho yodelehihi...

RMP
5/27/22
Winnipeg MB Canada