Friday, August 18, 2017

MIRON

mahilig manood
magaling pa sa naglalaro
lupet ng kumento
turo pa nang turo
lakas mang-asar
pero kapag nabara
“eh di ikaw na ang magaling”
yan ang rebuttal nila

laging may puna
linya ay pangontra
kahit walang batayan
bira lagi nang bira
bagong tambayan
ay ang social media
may maipost lang
kahit magmukhang tanga

daming alam
copy paste naman
kung mag-analyze
halatang nanghihiram
title ang binabasa
hindi ang buong laman
matapang daw
pero iba ang pangalan

lutang ang kulay
ang utak ay windang
malapad ang sahod
laging nag-aabang
kapag nakapuntos
ay saksakan ng yabang
kapag sumablay
sa iba ang bintang

RMP
8/17/2017
Winnipeg MB Canada