Thursday, July 21, 2022

BUTI NA LANG MAY TIM HORTONS

Bago pa lang umalis ay naramdaman ko na
Mukhang di pa ubos ang inilabas kanina
Pero ok lang sa isip ko baka hangin lang
Sige tuloy ang pagtakbo tuloy ang paghakbang

Makalampas lang ng Munroe muling nagparamdam
Mukhang magkakaroon ng matinding bakbakan
Plano ko pa naman na tumakbo ng 21
Bahala na ang sabi ko itutuloy na lang

Lumampas ng Kimberly, McLeod ay dinaanan
Pagdating ng Chief Peguis simula na ang laban
Agad na bumalik sabay sabing mukhang eto na 
Kapag di napigilan ay malaking disgrasya

So after 5K agad na nga akong bumalik
Mga balahibo nagsimula nang tumindig
Another 5K pa ang kailangang kong takbuhin
Kaya sigurado na sa daan na aabutin

Buti na lang at may Tim Hortons akong nakita
Makalampas ng Springfield ay tanaw mo na s’ya
Wala na akong choice di ko na talaga kaya
Nang ako ay dumating ay may gumagamit pa

Hintay lang ng konti tiyak makakaraos din
Wag masyadong gumalaw, huminga ng malalim
Salamat sa wakas ay nagbukas na ang pinto
Tagumpay ang sigaw mula sa pagkakaupo

Buti na lang may Tim Hortons ako’y nakaligtas
Malaking kahihiyan kung inabot sa labas
Pero hindi pa lubos ang nakuhang tagumpay
Mukha ngang may round 2 pa pagdating ko sa bahay.

RMP
07-17-22
Winnipeg MB Canada