Friday, March 25, 2016

RANDOM #49

Spring lang kahapon winter na ulit ngayon
Off ko pa naman tiyak sa bahay maghapon
Walang mapupuntahan malamig pa sa labas
Sobrang na mimiss ko tuloy ang pamilya sa Pinas

Pero ganun talaga wala namang magagawa
Laba at linis muna bago tumunganga
Internet,TV  at humanap pa ng gagawin
Kapag nagawa na buklatin ang babasahin

Gumawa ng tula kahit na medyo mababaw
Pampalipas oras habang limitado ang galaw
Kapag nagutom at tiyan ay kumalam
Tirahin ang kaning lamig at ang natirang ulam

Matulog uli at sulitin ang bawat sandali
Di makakatakbo kaya sa panaginip bumawi
Pagkagising naman hanapin agad ang remote
Buksan ang TV at tigilan ang pag eemote

3/25/2016
Revised 4/2/2016
RMP
Winnipeg MB Canada