Monday, September 5, 2016

RANDOM #66

Sabik nang pauwi
Mga araw pinadadali
Yakap at halik
Matagal nang minimithi
Muling makikita
Muling makakapiling
Bawat oras na ilalagi
Pilit na susulitin

Iisa ang pakiramdam
Saya ay walang paglagyan
Iisa ang pakiramdam
Sa pagbabalik bayan

Mabigat ang dibdib
Mga araw gustong bumagal
Kung maaari lang sana
Na bahagya pang magtagal
Muling aalis
Muling magkakalayo
Ang panahong inilagi
Inipon na lang sa puso

Iisa ang pakiramdam
Lumilipad ang isipan
Iisa ang pakiramdam
Lungkot sa muling paglisan

RMP
8/28/2016
Winnipeg MB Canada