Tuesday, September 17, 2013

PAGNINIIG

nilukuban ng init
ang malamig na kalamnan
habol ang hininga
unti-unting lumilipad
ang diwa tungo sa kawalan

mahigpit ang kapit
madiin ang bawat indayog
tila sumasabay sa ritmo ng isang sayaw
ang bawat kilos at galaw
bumibilis ang tibok ng dibdib
lumalakas ang ingay ng pananabik
tumatakas panandali ang katinuan
hindi maintindihan ang nararamdaman

ilang ulit na ba itong naganap?
subalit ganun pa rin
pananabik di kayang sulitin
laging uulit-ulitin
hahanap-hanapin

bukas ang pandama
nakapinid ang mga mata
pilit na sasairin ang mga nadarama
hanggang mapagtanto ano nga ba ang nakuha
katawan lang ba o buong kaluluwa?

RMP
9/17/2013


No comments:

Post a Comment