Thursday, September 19, 2013

COITUS INTERRUPTUS

mula sa lagusan
huhugutin ang tulay
kailangang mapigilan
tuluyang paglalakbay

hindi dapat magtagpo
sa takdang sisidlan
mga bahaging bubuo
ng iisang katawan

magpapatuloy ito
hanggang kapwa gusto
pakiramdam laging handa
nang laging maabswelto

makakasanayan din
ang dating ng hudyat
maililihis ang daloy
sumabog man ang lahat

RMP
9/19/13

No comments:

Post a Comment