Sunday, September 22, 2013

TULA NG PAG-ASA

may parating na hamon na dapat harapin
kailangang manirahan sa malayong lupain
mga alinlangan dapat na maiwan
kahit kapalit nito ang pagkakakilanlan

pansamantala kailangang mag-isa
mga mahal sa buhay maiiwan muna
unti-unti dahan-dahan kailangang maghanda
walang mahihita kung pabigla-bigla

pag-asa ang nakikita sa nakatakdang paglisan
kahit damdamin palihim na nasasaktan
di man lahat maisama at may mga maiwan
tuloy ang lakbay tuloy ang laban

takot sa dibdib alinlangan sa isip
dapat iwanan dapat iwaglit
kailangang matuto sa mga nakaraan
upang pagkakataon di na muling masayang

sa muling pagkikita di na maghihiwalay
sa katibayang inaasam sama-samang maghihintay
mga pangarap mabubuo habang kapit-kamay
maaliwalas na bukas magsisilbing gabay

RMP
09/22/2013



No comments:

Post a Comment