Thursday, March 24, 2022

ANAK PARODY

No'ng isilang ka sa mundong ito
Incumbent na magulang mo
At ang kapalit nila ngayo’y ikaw
At ang nanay at tatay mo'y
Alam na alam ang gagawin
Binabantayan pati kalaban mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong bantay
Mayrong banta sa buhay mo
At sa umaga nama'y kandong ka
Ng iyong kabit na panay ang hingi sayo

Ngayon nga'y congressman ka na
Nais mo’y malaking kita
'Di man ito hayag daming pagagawa
Ikaw na ang Cong ng distrito
Lalong lumaki ang iyong ulo
Panay relatives pa ang contractors mo

'Di mo man lang inisip ang mga taong
Siyang naghalal sa yo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang gusto mo
Kickbacks mo’y sapin-sapin

Nagdaan pa ang mga araw
At scandal mo'y lumitaw
Ikaw ay nagkukulong sa’yong number two
At hindi kana malapitan
Lagi ka na lang sa yong lungga
Kaya ang tanong asan si Congressman

At ang iyong mga mata’y biglang nandilat 
Nang asawa mo ay dumating
Nakangisi sabay bihis
At sinabi mong tao lang ako darling
Nakangisi sabay bihis
At sinabi mong tao lang ako darling
Nakangisi sabay bihis
At sinabi mong tao lang ako darling

RMP
3-18-22
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment