Saturday, April 16, 2022

PAG NATATALO ANG GINEBRA (ELECTION PARODY)

Sinusundan ko ang bawat tagpo
Sa botohan pong maraming lango
Ang bawat isyung binibitaw
'Di mapigilan kahit na hilaw
Kaya pati relihiyoso
Nagmumukha na ring mga gago
Pumapapel na moralista
Pag nagtalo sila ang bida

Kahit saan pumaroon
Nagsisiksikan kita sa drone
Nang-aalaska’t nagkakagulo
Pag lumabas na ang kandidato
Ang supporters ay nagdiriwang
Magpaparamihan na naman ng bilang
Cameraman, huwag mo lang kukunan
Yung mga areang wala pang laman

[Chorus]
Pagbigyan nyo na ako
Tuwing eleksyon lang ito
Gumaan ang nabibigatang puso
Pagbigyan nyo na ako
Sa munting hilig kong ito
Kung hindi, baka mag-away pa tayo

Nang mga hosts ay mag-umpisa
Puro palpak ang tira nila
Palaging foul mga pasaring
Mga pauso, nakakapraning
Nakakahibang mga posts sa FB
May ginagago pa ang sarili
Kahihiyan it doesn’t matter
Fake news pa more, oh sana all

Sa social media maraming epal
Anu-ano mga kinakalkal
Panay pasaring ang maririnig
Pero edukado ang astang tindig
Kung tumirada kala mo malinis
Kulang sa points maraming mintis
Mga miron ang nagsasabong
Leni ba tayo o Bongbong

[Chorus]
Pagbigyan nyo na ako
Tuwing eleksyon lang ito
Gumaan ang nabibigatang puso
Pagbigyan nyo na ako
Kahit na kahit paano
Sumaya ng bahagya ang timeline ko

FB connections bawas ng lima
Ang kakontra, inunfriend nila
Bumabaha ang mga balimbing
Ang iba naman wapakels pa rin
Nagpapalit ang iba ng isip
Si Manny Pacquiao ay number six
Nagkalat ang mga moralista
Pag nagtatalo sila ang bida

Galit tayo sa opurtunista
Galit din tayo sa doble -kara
Feel na feel mo ang isang moralista
Pag nagtatalo sila ang bida

4-15-22
RMP
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment