Sunday, March 20, 2022

LAGLAGAN (BAGSAKAN PARODY)

Nandito na si Bong-bong
BBM siya kilala
Nandito na si Isko
Ang yorme ng Maynila
Nandito na si nanay
Robredo apelyido
Maglalaglagan dito in 5 4 3 2

Nandito na si Bong-bong
BBM siya kilala
Nandito rin si Isko
Ang yorme ng Maynila
Nandito rin si nanay
Robredo apelyido
Maglalaglagan dito 
Sino ang mananalo?

BBM:
Alam na alam ko bat ako kasama dito
Tamang-tama may mga pasabog sila Isko at si mam - astig patalasan ng bibig
Teka muna teka lang wag naman agad magalit
See the resulta bago magsiduda
Dapat ay mag-isip sino ba nangunguna
At malakas na malakas
Pls believe sa akin ay nakikinig
Ang  milyon-milyon na pilipino bumibilib sa mga pabibo ko
Di kayo nagugulat sa mga naganap
Siguro alam nyo bat ako sikat
Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang iginuhit ang pagiging malapit
Kailangan galingan hindi nyo kayang tapatan ang hugpungang loyalista at aming caravan
Shit! panu to wala kayo masabi
Di na kailangan isigaw ng mga labi kong ito
Mga tao di magkakamali
Na magaling talaga kaya akong napili

Natapos na si Bongbong
BBM siya kilala
Nandito na si Isko
Ang yorme ng Maynila
Nandito rin si nanay
Robredo apelyido
Maglalaglagan dito
Babanat na si Isko!

ISKO:
Dito na bata ni German
Ako lang ang sakalam
Hindi 45 o 44 ngayun
Sakto lang I’m 47
Tamang age so shut up and listen
Nandito na si Isko at kasama ko chinito at si nanay
And it's time to show mine
Di ko mapigilan lumabas ang mga salita
Sa aking bibig di padadaig
Ang bumangga
Hala magigiba
Lahat napapahanga ako ay gwapo
Kayo ay babalentong
Batang nangariton na ngayun yorme na ng Manilenyo
Sumasaklolo sa mga hirap
Pwedeng dancer din o
Gigolo na lang
Sikat kasama ko ang tropa
Kaya kong lumaban at hindi lang sa Maynila
Ako na ang kailangan ng bayan
Sino pa 
Kahit lahat sila ay magsamasama
Pls check eto na lumabas na ang pwersa
Gigolo artista-I’m fine kayo’y sumama
1 2 3 4 lets volt in!

Natapos na si Bong-bong
BBM siya kilala
Tapos na rin si Isko
Ang yorme ng Maynila
Nandito na si nanay (ah mic check mic check)
Robredo apelyido (naka on na ba yung mic?)
Maglalaglagan dito
Kelangan ng magingat
At ang huling laglagan
Si nanay ang babanat!

Leni:
Bato bato sa langit
Ang tamaa'y wag magalit
Bawal ang di sumisipot
Baka lalo kang malait
Pero okay lang
Hindi naman kami mga dehado
Sumabay na sa amin at kakampink ang mananalo
Sa tulong ng itsura
Kasama ng pinakamalapit na masa
Pati si kiko
Magaling-hindi parin kayang tapatan
Parang awit ni Shawi mong binabalik balikan
Stop-rewind i-play mo
Nakapakasaya talaga pag presscon ko
Alam nyo na siguro ang ibig kong sabihin
Hindi na kelangan pang paulit-ulitin
Baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig baka hindi ninyo maintindihan
Mga salitang panggulat wala ako pakels
Basta pwede ihayag
Nasa panig ko mga dilawan
Kapag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Eh kasi naman siguro
Ganyan lang kapag sumisigaw ka ng pagbabago
Medyo nalilimutan
Hindi ko maisip na pwedeng mangyari
Last man standing ay isang babae

Lahat:
Ngayun lang nadinig
Hindi na to madadaig
Nagsamasama sa laglagan
At naging isang bibig
Magingat ingat na nga at baka masindak
Sino kaya sa aming tatlo ang may maitim na balak…

Coda:
I'm Manny da wapakman
Dionisia, she is my mom  
My wifey is Jinkee, and
We have less money
I'm Manny da wapakman

RMP
3-20-22
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment