Sunday, April 2, 2017

RANDOM #86

sumisipol na hangin
kalampag sa salamin
ang mga ingay
pilit akong ginigising
masakit man ang ulo
pilit na tumayo
ang pumasok sa isip
baka biglang maglaho

binuksan ang computer
upang simulan
ang temang pumasok
sa aking isipan
subalit di pa handa
ang kamay at diwa
masakit pa ang ulo
katawan ay latang-lata

kaya chat na lang muna
sa pamilya sa pinas
uminom ng gamot
pansamantalang lunas
pagkatapos ng chat
humiga na lang muli
ipikit ang mga mata
matulog kahit sandal

sumisipol na hangin
kalampag sa salamin
ang mga ingay
muli akong ginising
kahit masakit pa rin
pinilit kong tumayo
sa pagharap sa computer
ito ang aking nabuo

RMP
4/2/2017
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment