Friday, April 21, 2017

MOCHA

Ang tulang ito ay Rated PG (Para sa Gurang)

masarap lalo na sa mga nagkakape
idol naman ng mga maka duterte
dahil sa mga bitaw ay pinuputakte
ng mga isyung ganito at ganire

mapait sa kanila na ayaw makinig
natatakam naman ang mga mahihilig
ang mga palabas ay talagang nakakapanginig
apektado ang marami pag bumuka ang bibig

kasama malimit sa opisyal na lakad
kaya ang pangalan ay nakakaladkad
tumataas ang kilay ng mga kaaway na lantad
may nag-aantanda naman pag nakitang lumiliyad

pero malaman (ang dibdib) at malakas ang loob
may init na hatid ang bawat indayog
kaya kahit tinitira sa harap, gitna at likod
lagi pa ring mababasa at mapapanood

lantad na lantad at lutang na lutang
pantasya ng mga bata pati ng mga gurang
parang ‘Parker’ kung gumuhit ang dilang malaman
may mga nagagalit at meron ding natatakam

sa mga kakampi wala namang problema
nagngingitngit naman ang mga moralista
sa ganang akin eh huwag na tayong magtaka
ang ‘strange bedfellows’ normal lang sa pulitika

simple lang ang equations hindi ito kumplikado
kamot ko plus kamot mo equals walang agrabyado
kembot mo plus kembot ko equals sabay tayo
pwede rin ang baligtaran basta walang madedehado

kwalipikado ba o bahagi ng utang na loob?
patronage politics kaya kailangang sumunod?
hindi kaya bayad sa pagtihaya at pagtaob?
ano ang pinakain na talagang kalugod-lugod?

magpapatuloy ang agos ng mga intriga
magkalabang kampo patuloy ang patutsada
lalo pang mag-iinit laman ng social media
habang patuloy ang paggiling ni Mocha

RMP
4/21/2017
Revised 10/4/2017
Winnipeg MB Canada


No comments:

Post a Comment