Tuesday, November 22, 2022

TAO by Sampaguita (A PARODY)

Kulang ang limang libo
Pera mo ay lilipad
Gastos ay lumalabis
Pag sa mall ka napadpad
Isip ay nalilito
'Pag may display na bago
Sapatos na bagong uso
Ay isang malaking tukso

Cash ay hindi kasya
Card hinahagilap
Ayaw mang mangyari
Utang ay dadami

Sang kaskas mo lamang
Solved na ang babayaran
Budget ngayo’y kulang
Sino ba may kasalanan?

Tuloy pa ang ikot mo
May binabalak ka pang iba
Di pa rin makaiwas
Sa may sale rin ang punta

Sang kaskas mo lamang
Solved na ang babayaran
Budget ngayo’y kulang
Sino ba may kasalanan?

Kulang ang limang libo
May budget na madadamay
Nakuha man ang ‘yong nais
Nakarating ka na naman sa bumbay

RMP
11-22-22
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment