Saturday, November 26, 2022

Kahit Maliit Lang Ang Pensiyon Ko (Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko Parody)

Verse 1:
Kung ako’y matanda na
Sana'y wala ako sa Hospicio
Akay man, sa wheelchair man
May makasama ako

Chorus 1:
Makuha pa kaya ninyong ako’y hagkan at yakapin, hmm...
Kahit walang mamanahin
Nagtatanong lang ako, ako kaya’y alagaan nyo
Kahit maliit lang ang pensiyon ko

Verse 2: 
Pagdating ng araw ang aking tuktok
Mapapanot na rin
Ang pagkilos ay mahirap
Naka diaper na rin

Chorus 2:
Ang paghuhugas di na pwedeng pilitin, hmmm...
Manginginig na ang kamay ko
Ang aking pagsamo na sanay makasama kayo
Kahit maliit lang ang pensiyon ko

Ang paghuhugas di na pwedeng pilitin, hmmm...
Manginginig na ang kamay ko
Ang aking pagsamo na sanay makasama kayo
Kahit maliit lang ang pensiyon ko
Kahit maliit lang ang pensiyon ko

RMP
11-25-22
Winnipeg MB Canada





No comments:

Post a Comment