Saturday, April 30, 2022

TAMA BA YAN? (Inuman na by Parokya Parody)

Ikaw na naman ang bida
Excited na para manghusga
Maglalabas na naman ng bago
Kung totoo di sigurado

Nagpahinga ka lang ng konti
Ngayon pasabog ay matindi
Nagresearch ka ba ng todo?
Kung hindi para kang gago

Tama ba yan? Fact check muna
Hoy parekoy umayos ka
Nandidikdik ka ng kalaban
Info mo ay fake news naman

Magpopost hanap ay away
Mga kakampi ay sasakay
Mga comments walang saysay
Pag nakontra magtataray

Pang miron lang talaga ang tapang
Parang galing lang sa inuman
Kung umasta ay matalino
Kulang naman sa numero

Tama ba yan? Fact check muna
Hoy parekoy umayos ka
Nandidikdik ka ng kalaban
Info mo ay fake news naman

RMP
4-29-22
Winnipeg MB Canada




No comments:

Post a Comment