Monday, November 26, 2018

ANAK (PARENTAL GUIDANCE VERSION)

bago ka isilang sa mundong ito
revealed na ang gender mo
at walang ibang bida kundi ikaw
at ang mommy at daddy mo’y
alam na alam ang gagawin
handa na sila sa birthday shower mo
at sa gabi’y napupuyat ang iyong mommy
sa kapopost ng pictures mo
at sa umaga nama’y kalong ka
ng iyong daddy na sobrang proud sa ‘yo

ngayon nga ay malaki ka na
nais nila laging kang una
mga assignments mo
sila ang gumagawa
ikaw ay kanilang binago
naging grade conscious ang ulo mo
gusto mo lagi’y numero uno

minsan may kasama pang sipsip
sa mga teachers para maging pabor sa yo
pagkat ang nais nila’y popular ang ngalan mo
EQ mo’y hindi nila napapansin

nagdaan pa ang mga araw
sa FB ang bida na ay ikaw
andun halos lahat ng achievements mo
at ang una mong tinitingnan
kung marami ang humahanga
ang tanong ngayon ba’t ka nagkaganyan
at ang iyong  mga mata’y lumuluha
kapag konti ang pumapansin
nababad trip dahil sa isip mo’y
paniwala ka na ikaw ang magaling

nababad trip dahil sa isip mo’y
paniwala ka na ikaw ang magaling
nababad trip dahil sa isip mo’y
paniwala ka na ikaw ang magaling
nababad trip dahil sa isip mo’y
paniwala ka na ikaw ang magaling

RMP
11/7/18
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment