Wednesday, November 23, 2016

RANDOM #73

Pitong taon
Nakaw na pagkakataon
Malalim ang pagkakabaon
Mukhang marami ang naipon
Labas masok sa loob
Sagad ang pagkakalubog
Sundo, hatid, buhat , hulog
Bagahe, parte, ambag, handog

Nagtago, nakita
Ngayon ay kumakanta
Unti-unting nilalaglag
Ang dati niyang sinisinta
Nagkusa  ba o pinipilit?
Kapit sa patalim dahil gipit?
Kapag nagpatuloy ang pag-awit
May “madam” na maiipit

Kapanalig nagngingitngit
Mga kaaway ay natutuwa
Mga lihim na itinatago
Ngayon ay nahahalata
Frailties of a woman?
Hindi raw naman sinasadya
Sa social media abangan
Susunod na kabanata…

RMP
11/22/2016
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment