Saturday, November 19, 2016

LIBING

Dinaan sa bilang
Marami ang nagulantang
Prosesong mabilisan
Legalidad ang batayan
Hindi na napigilan
Kahit may nag-aabang
Labing pinagtatalunan
Naihatid sa libingan

Tatlong dekada
Humina na ang puwersa
Manipis na ang sumasama
Kumpara nung unang EDSA
Nawaglit  na sa ala-ala
Walang pakialam na ang iba
Yung mga dating kasama
Ngayon ay nasa gitna na

May mga bagong sibol
Kasama sa mga tumututol
Malakas lang ang kahol
Pero takot na magpahabol
Dinadaan sa suhol
Upang hindi magmaktol
Unti unting nalilipol
Dating tagapagtanggol

Dahilan ng pagkatalo
Makikita sa numero
Mga hindi sigurado
Batayan lang ay kwento
Kulang na ang mga tao
Mukhang wala ng milagro
Mga politikong nanalo
Sila na rin ang abogado

RMP
11/18/2016
Winnipeg MB Canada






No comments:

Post a Comment