Sunday, November 20, 2016

MATIKMATIK NG HALALAN

subtraction ng kaibigan
addition ng kaaway
division ang resulta
conflicts nag multiply
infinite ang difference
problems walang solution
parallel ang mga linya
maraming mali sa equation

fractions dahil sa issues
dumarami ang irrational
imaginary mga variables
stupidity rate ay exponential
lumalawak ang intervals
labanan ay who is greater than
kahit sablay ang analysis
masabi lang na may alam

may mga nangongopya
sa calculations ng katabi
hindi kabisado ang formula
hindi ma simplify ang sinasabi
marami rin ang nanghuhula
hindi masagot ang mga tanong
kaya kahit may solution set
the value is still unknown

RMP
11/20/2016
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment