Saturday, April 16, 2016

RANDOM #51

Maingay na ang pangalan
Marami na ang sumasabay
Milyon na ang naniniwala
Siya na raw ang hinihintay
Sawa na sa mga pangako
At mabagal na usad ng batas
Taas ang kanang kamao
Heto na kaya ang tagapagligtas

Wala raw maaasahan
Sa iba pang tumatakbo
Ang sigaw ng marami
Ay tunay na pagbabago
Tumataas, lumalakas
Ang agos ng kontradiksyon
Marami na rin ang natatakot
Kapag ang manalo ay si Digong

4/15/2016
RMP
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment