Tuesday, December 24, 2013

SAPUL

hirap nang makatulog maaga pang magising
hindi laging mapakali para bang mapapraning
hindi sapat ang skype roaming, viber at FB
pag nag log out na hahaba araw at gabi

sa bawat instant message at video conversation
sa bawat uploaded picture na dagdag sa mga collections
pag nag update ng status silang mga  naiwan sa pinas
sapul na sapul na naman ang lungkot na dinadanas

Bulls eye! Sapul ang puso
Bulls eye! Luha ay tutulo
Kahit anong pigil
Kahit anong gawin
Kahit malayo man
Sapul ang damdamin

ganito talaga mahirap sa umpisa
di madaling makasanayan ang malayo sa pamilya
kahit na kabi-kabila ang tulong ng teknolohiya
ang damdamin pa rin ang siyang magpapasiya

di naman kailangan na tuluyang lumipas
ang nararamdaman kahit sapat na ang lakas
ang lungkot ay walang pinipiling panahon
ang kailangan lamang ay magpakahinahon

Bulls eye! Sapul ang puso
Bulls eye! Luha ay tutulo
Hayaan mo lang
Gagaan din ang dibdib
Mawawala din ang sakit
At kalituhan sa isip

RMP
12/23/2013
Winnipeg, MB Canada





No comments:

Post a Comment