Thursday, December 15, 2022

TAMBAK ANG LABAHIN (YAKAP SA DILIM PARODY)

Kunin mo muna punda ng mga unan
Isama mo rin ang kumot sa labahan
Mga tuwalya’y huwag kalilimutan
Heto tayo santambak ang labahin

Huwag mong ipunin kung ayaw mapaluha
Pag sobrang dami di na maginhawa
Kung gusto mo ay paghiwalayin muna
Heto tayo santambak ang labahin

Heto na ang pinaka-exercise natin
Heto na tayo santambak ang labahin
O kay hirap di na nga tayo makangiti
Heto tayo santambak ang labahin

[Instrumental]

Heto tayo santambak ang labahin

Heto na ang pinaka-exercise natin
Heto na tayo santambak ang labahin
O kay hirap di na nga tayo makangiti
Heto tayo santambak ang labahin

Halika na at kunin na ang labada
Ang washing machine ang lagi nang kasama
Sa 'ting paligid wag na tayong umasa
Heto tayo santambak ang labahin

RMP
12-15-22
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment