Friday, January 17, 2020

SA LOOB ANG KULO

kalmado man ang paligid
nananatiling mapanganib
hindi pa rin natitiyak
ang nilalaman ng dibdib
ang tanda na ipinapakita
na hudyat ng pananahimik
huwag gawing dahilan
upang muling magbalik

pinsalang naidulot
bahagya nang naglalaho
mukhang nailabas na
ang panganib na itinago
huwag sanang padala
kung siya’y walang kibo
totoo’y hindi makikita
dahil nasa loob ang kulo

magugulat na lang
sa maaaring mangyari
ang ipinagsawalang bahala
nandiyan pa sa ating tabi
kaya patuloy magmasid
tiyakin sa ating sarili
sumabog mang muli
hindi tayo magsisisi

RMP
1/17/20
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment