Friday, December 21, 2018

BUGBUGAN (to the tune of BAGSAKAN)

Yung hindi mag like sa post ko, mamili kayo bugbog o dignidad, bibigyan ko kayo ng 5 seconds, 5,4,3,2,1 joke lang hehe. Sharing yung short version ko nung popular na BAGSAKAN nila Chito, Francis M at Gloc 9.

Nandito na si JM
Isa siyang atenista
Nandito rin ang tropa
Nandito ang barkada
Nandito na ang target
Pati ang mag vivideo
Magbubugbugan dito in 5,4,3,2

Nandito na si JM
Isa siyang atenista
Nandito rin ang tropa
Nandito ang barkada
Nandito na ang target
Pati ang mag vivideo
Magbubugbugan dito
Mauuna si JO MO!

Alam na alam ko kung bakit ako kasama rito
Sama-sama sa pambubugbog at pananapak
Astig, patindihan ng kicks
Teka muna teka lang may pasabog ang bibig
Shift sa 45 para mapatumba
Dapat sakto para tama ay maganda
At malakas bawat bigwas
At astig na baka sakaling mahindik ang
Milyon milyong Pilipino na makapanood sa video ko
Nagugulat ako sa mga nagaganap
Ngayon alam ko na kung bakit ako ngayo’y sikat
Para bang panaginip ngayo’y daming galit
Hindi ko na masulit ang pagiging mabagsik
Kailangan may dahilan, di ko kayang tapatan ang hamunan ng
Mga may kakayahang lumaban
Damn! Wala ngayong masabi
Nauubos unti unti ang aking mga kakampi
Balak na lang itanggi ang mali
Ngunit ang karma ang bilis magsukli

Nandito na si JM
Isa siyang atenista
Nandito rin ang tropa
Nandito ang barkada
Nandito na ang target
Pati ang mag vivideo
Magbubugbugan dito

Mauuna si JO MO!

RMP
12/21/18
Winnipeg MB Canada


No comments:

Post a Comment