Sunday, July 8, 2018

RANDOM #103

Mabuti pa minsan ang walang nakikita o naririnig
Magtago man ang katotohanan wala namang iniisip
Damdamin kailangan ay maging isang manhid
Hayaan na lang ang panahon ang maging tagasagip

Mahirap nang saklawan ang hindi natin kontrolado
Kapag ating pinilit magmumukha lang tayong gago
Mahirap maghinala sa mga hindi naman sigurado
Lalong gumugulo masalimuot na nating mundo

Ginagatungan ng teknolohiya ang nagbabagang apoy
Sa bawat mga sulyap may itinatagong pananaghoy
Sa kahihintay ng mga sagot ang diwa ay lumalaboy
Tunay na mga pangyayari kadalasan ay itinataboy

Kahit anong pagharang wala na tayong magagawa
Nasa paligid lang ang mga pwedeng magtangka
Kaya kapag ang bakod ay sadyang naging mahina
Sa kaunting sandal ninuman ay maaring magiba

Ibuhos na lahat ang pagmamahal at tiwala
Anuman ang maging bunga ginawa natin ang tama
Kung nagkamali man at mukhang walang mapapala
Harapin ang pangyayari Diyos na ang siyang bahala

RMP
6/13/18
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment