Monday, April 30, 2018

DI NA NATUTO (HOPIA VERSION)

Online ka na naman
Mukhang nagdurugo ang ‘yong puso
Ilang hugot na ba yan
Talaga naman di na natuto

Ang target ay dedma
Wala nang pandama ngayo’y naglaho
Napapapraning ka na
Pero hihirit pa di na natuto

Ilan pang post na lang
Bakasakaling mapapaamo
Pero wala na’t lumisan
Di na muling magbabalik sa ‘yo
Meron ka nang ibang kalaban
Ang jowa mo’y dina sa ‘yo lamang

O nag post ka na naman
Blank na profile pic yan ba ang uso
May hashtag pa at link
Paawa pa ang trick di na natuto

Isang post na lang
Bakasakaling mapapaamo
Pero wala na’t lumisan
Di na muling magbabalik sa ‘yo
Meron ka nang ibang kalaban
Ang jowa mo’y dina sa ‘yo lamang

RMP
4/29/18
Winnipeg MB Canada


No comments:

Post a Comment