Friday, May 27, 2016

RANDOM #56

Malalim man o mababaw
Lipas man o napapanahon
Mga kaisipang naglalayag
Karanasan ang siyang nagtipon
Iba’t ibang mga damdamin
Kadalasan ay hindi napapansin
Ngunit tuloy lang ang agos
Walang galit na kinikimkim

Di mataas ang lipad
Puna ay tinatanggap
Ang mga isinusulat
May mga ibang sangkap
Mga katagang nilalaro
Paksang dinadaan sa biro
Kadalasan ay daluyan
Ng lungkot na nakatago

Di kailanman nalilimutan
Kontradiksyong pinagdaanan
Bagama’ tanggap naman
Ang maraming pagkukulang
Kung lumulutang man
Sa kawalan ang kaisipan
Doon kasi nagkakahugis
Ang mga nararamdaman

RMP
5/26/2016
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment