Sunday, May 22, 2016

RANDOM #54 (Isang Tula Para Kay BBG)

Paalam na Bentot paalam na sa aming pangulo
Class valedictorian  bro ikaw ang numero uno
Mula first to fourth year hindi ka bumitaw
Pinakamagaling sa batch walang iba kundi ikaw

Kasama sa sarap kasama din sa hirap
Pati sa kalokohan simple kung bumanat
Kasama sa GASTIKAMU supporter ng DFP
Paborito mong tawanan mukha ni JOE SPANKY

Masakit kang mang penjak haba kasi ng daliri mo
Ang tenga ni Willy Piamonte namumula dahil sayo
Dancer ka ni Igna, artista din sa entablado
Malupit sumulat kaya EIC ng ating dyaryo

Kilala mo si Mr. Polydol  pati si Mr. Tweeter
Brod mo si Wire cutter, ikaw naman si Mr. Starter
Ilan lang tayong nakakaalam nito
Kapilyuhang pinagdaanan naaalala ko

Plemang parang rocket dumidikit sa pader
Special talent mo no one does it better
Sumasabit sa kisame ang layo ng talsik
Pati sa tenga ang lakas mong mamitik

Buhay haiskul natin binigyan mo ng kulay
Wala akong matandaan na mayroon kang nakaaway
Naghihintay kung hindi kami makasabay
Bilang pangulo ng batch ikaw ang aming tatay

Nagkahiwa-hiwalay, nag college nagkapamilya
Dumalang na ang panahon para magkita kita
Ang bilis ng panahon may kani-kaniyang hamon
Subalit pag nagkita sinusulit ang pagkakataon

Marami pang gustong gawin marami pang pangarap
Pag nagkakausap ang topic ay pamilya at mga anak
Subalit sa dahilang Diyos lang ang tanging may alam
Nandito ako ngayon sinasariwa ang nakaraan

Ngumingiti kahit mabigat sa dibdib
Masasayang alaala mo naglalaro sa aking isip
Walang magagawa kundi isulat ang nararamdaman
Isang pagpupugay sa isang matalik na kaibigan

Mananatili kang buhay sa aming ala-ala
Isang pagpupugay Pangulong BENJAMIN B. GARCIA

RMP
5/21/2016
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment