Thursday, September 10, 2015

RANDOM #34

Laptop ni Karla na dinala ko sa Canada
Ayaw ng mag boot, ayaw ng gumana
Dinala ko sa repair shop para matingnan
46 dollars na diagnosis pa lang

Bumigay na motherboard yun ang dahilan
400 dollars daw kung papalitan
Pag back up ng file ay may bayad din
100 dollars daw kung aking gugustuhin

Hindi na ako nag dalawang isip pa
Ganito kamahal pagawa sa Canada
Kaya dell studio xps need mo nang palitan
Kunsabagay limang taon ka na naman

Salamat sa lahat graduate na ang amo mo
Bago ka sumuko tapos na sa kolehiyo
Dahil din sayo dami ko ring nagawa
Gaming, internet, articles, pati na mga tula

Dami mong mga files na mga nasaksihan
Kahit yung iba ay hidden ikaw ay maaasahan
Sobrang laki ng iyong naging mga pakinabang
Amo mo ngayon nag cocoding na ng program

Buti na lang dalawa na trabaho ko ngayon
May pambabayad sa credit card pag nagkataon
Masakit man sa damdamin kailangan mag move on
Sabi nga sa Aldub may tamang panahon

Maswerte ka rin dahil marami kang narating
Bago sa Pinas sa USA ka nanggaling
Sa iyong pagpanaw sa ibang bansa ka pa rin
Dito sa Canada huli kang nakapiling

Paalam na kaibigang dell studio xps
Serbisyo mo sa amin ay walang kapares
Di tulad ng mga pulitiko ikaw ay naging tapat
Hindi ka naman nasira sa pagiging corrupt

09/10/2015
RMP
Wiinipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment