Monday, August 24, 2015

RANDOM #26

padalang inipon
inilagay sa kahon
mga tsokolate
karne norte at sabon
bagong sapatos
damit at laruan
katas ng trabahong
pinaghihirapan

kahit na kakaunti
ang hatid ay ngiti
kahit na kakaunti
lungkot napapawi

pagdating sa pinas
ngayo'y babaklasin
gustong buwisan
ng gobyernong praning
kakarampot na biyaya
nais pang tirahin
yung mga dambuhala
di kayang salingin

kahit na kakaunti
may gusto pang makihati
kahit na kakaunti
may gusto pang yumari

RMP
August 23, 2015
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment