Saturday, August 15, 2015

RANDOM #21

lumalaganap
dahil sa isang sulyap
kaway ang nagtulak
naglaho ang pagpapanggap
nabuhay ang pangarap
ngayon marami ang naghahanap
nagmamasid, naghihintay
sa mga maaaring maganap

karaniwang kwento
sa kakaibang sitwasyon
mga tagpo’y naglalaro
sa mga imahinasyon
mababaw man ang tingin
layon ay napapanahon
sa bawat kuwento ng pag-ibig
may itinakdang panahon

bakit may kilig?
bakit maraming nagmamasid?
kapag pag-ibig ang paksa
mas marami ang hindi manhid
isipa’y pumapailanlang
sa lawak ng himpapawid
naghihintay sa panahon
na bawat puso’y magkalapit

RMP
12 August 2015
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment