Saturday, April 5, 2014

BUHAY (CANADIAN) IMMIGRANT

dinadaan sa tulog nang mawala ang lungkot
subalit kahit sa panaginip pilit pa ring lumulusot
dinadaan na lang sa kain palipas oras sa computer
pero ang damdamin sinlamig pa rin ng winter

search online most of the time para makahanap ng trabaho
target ay entry level bago kaya back muna to zero
attend sa libreng workshops pwede ring mag volunteer
kalimutan pansamantala ang sinakripisyong career

sandamukal na resumes kailangang i prepare
mataas daw ang standards ng Canadian employers
pero sa dami ng applicants maaring hindi makalusot
kaya pag uwi sa bahay mas matindi ang lungkot

habang nagpapahinga magbubukas ng internet
habang naka online nagtutuos ng budget
settlement funds malapit nang ma short
problemang mukhang hindi magpapatulog

lunod na sa lungkot hindi pa makatulog
oras ay tumatakbo isip ay nababagot
ganito ang hamon kapag bago sa Canada
kung nahihirapan huwag nang magtaka

RMP
4/3/2014
Winnipeg, MB Canada

No comments:

Post a Comment