Saturday, March 1, 2014

GROUND ZERO

bitbit ang bagahe habang tulala
kakaibang hudyat ng panibagong simula
lumapag ang mga paa nakalutang ang diwa
sapat ba ang dahilan nang lisanin ang bansa?

bigat ng dala-dala dapat na bawasan
kung kinakailangan alisin ang mga laman
pinaghirapan noon di magagamit ngayon
mga bagong karanasan dapat munang maipon

dating nakasanayan itakwil at iwanan
kung gustong umangat makipagsapalaran
magpakumbaba tanggapin na kusa
minsan kailangan magsimula sa wala

mundong binuo ng mga nakaraan
dinudurog unti unti ng kasalukuyan
damdaming nakayakap sa mga naiwan
hindi dapat sumuko kahit na nasasaktan

RMP
2/28/2013
Winnipeg, MB Canada

No comments:

Post a Comment