Tuesday, April 7, 2020

AWIT NG FRONTLINERS (To the Tune of Battle Hymn of the Republic)

Humaharap sa laban at hindi umuurong
Handa kaming kumilos at magbigay tulong
Buhay ay itataya ang laban ay isusulong
Ang bansa’y iaahon

Kahit kulang sa suporta, kami’y laging nakapronta
Kahit kulang sa suporta, kami’y handang lumarga

Hindi kami takot sa bala man o sa sakit
Ang aming sinumpaan kinakapitang mahigpit
Hindi kami susuko kahit na ginigipit
Paglilingkod ang aming langit

Kahit kulang sa suporta, kami’y laging nakapronta
Kahit kulang sa suporta, kami’y handang lumarga

Nagbubuwis ng buhay sa gitna ng mga laban
Mga mahal sa buhay ay aming iniiwan
Hindi kami naghahangad na pasalamatan
Ang mahalaga ay ang bayan

Kahit kulang sa suporta, kami’y laging nakapronta
Kahit kulang sa suporta, kami’y handang lumarga

Nalalagasan man kami ay patuloy pa rin
May dala-dalang liwanag sa gitna man ng dilim
Ang pagod at sakit ay hindi iintindihin
Pag-asa ang hatid namin

Kahit kulang sa suporta, kami’y laging nakapronta
Kahit kulang sa suporta, kami’y handang lumarga

Mayroon lang kaming isang panawagan
Upang hindi masayang ang pinaghihirapan
Makiisa sana kayo sa ginagawang laban
Tagumpay para sa bayan

Kahit kulang sa suporta, kami’y laging nakapronta
Kahit kulang sa suporta, kami’y handang lumarga


RMP
4-07-20
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment