Saturday, March 14, 2020

KUMUSTA MGA KABABAYAN (To the tune of Kumusta mga Kaibigan by Maria Cafra)

Kumusta, mga kababayan
May alcohol pa ba riyan?
Tagal nang wala akong makita
Kung meron man sobrang mahal na
Pati toilet paper ay nadamay na
Ako po'y nag-aalala
Baka ako’y maubusan na
Ay naku, 'wag po sana

Chorus:
Kaya ngayo’y narito
Sa harap ng Costco
Upang bawasan ang paranoia
Ng ulo ko
Isip ay toilet paper roll
Table-tabla tayo
May hawak na marami ang kamay
At maghohoard tayo

(Repeat Chorus except last word)

... Tayo

Kumusta, mga kababayan
May supply pa ba riyan?
Stock di lang pang pamilya
Meron pa para ibenta

Kumusta, mga kaibigan
Ok ba raket diyan?
Kumusta, mga kababayan
Ok ba ang hatian?

RMPalevino
3-14-2020
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment