Tuesday, September 19, 2017

RALI

“Politics makes strange bedfellows.” Charles Dudley Warner

Noon

malinaw ang direksiyon
hindi nahahaluan
hindi humahalo
kilala ang kalaban
ideo ang bitbit
hindi personalidad
iisa ang kulay
layunin ay lantad

Ngayon

malabo ang pakay
iba’t iba ang kulay
kasama sa pagkilos
pati mga kaaway
reaksiyunaryo
kunyari ay may ismo
oligarchs ay tumatawa
dami nilang naloloko

Noon

tunggalian ng uri
malinaw ang hatian
kakampi ay kakampi
kalaban ay kalaban
palaging nauuna
hindi nakikisawsaw
mga panawagan
di lang isinisigaw

Ngayon

kasama na rin
pati mga magnanakaw
may utang na dugo
at pulitikong malabnaw
pinagsamang labada
puti at de kolor
naghawa-hawang kulay
prinsipyong buhol-buhol

RMP
9/19/17
Winnipeg MB Canada


No comments:

Post a Comment