Tuesday, August 2, 2016

RANDOM #63

Nakababaliw ang agwat
Bawat distansiya ay sinusukat
Mga araw bibilangin
Palaging maghahanap

Habang lumalayo
Mga mata’y mamumugto
Itinatanong ng puso
Kailan muli magkakatagpo?

Hindi na kaya ng tula
Upang sarili ay lumaya
Tunay na nararamdaman
Di kailanman madaraya

Di na kailangang magsulat
Sa tuwing kayo ay kasama
Sa isip kong napapagod
Dulot nyo ay pahinga

Di na kailangang magsulat
Sa tuwing kayo ay katabi
Mga katagang iniisip
Malapitan kong nasasabi

RMP
July 31, 2016
Travelling from Philippines to Canada
7:28 am Philippine time
Altitude 37053 ft

No comments:

Post a Comment