Saturday, June 4, 2016

RANDOM #61

Ang bilis talaga ng panahon
Kalian lang kayo ay kalong-kalong
Pinaghehele, pinagtitimpla ng gatas
Pag nadumihan alaga sa hugas at punas

Di mapakali kapag masama ang inyong pakiramdam
Inihahanda namin mga paborito ninyong ulam
Todo ang bantay kapag kayo ay ipinapasyal
Isang tawag lang kasama na sa pag-aaral

Sinusulit namin ang bawat pagkakataon
Kaya sa eskuwela kayo ay hatid-kaon
Sinisiguro na sapat ang dalang baon
Ayaw na ayaw namin na kayo ay magugutom

Karga karga pa kahit medyo mabigat
Handang ayusin mga laruang ikinalat
Bawat ngiti nyo sa puso namin ay nakatatak
Nasasaktan kapag nakikita kayong umiiyak

Nanabik, nag-aalala kapag di kayo nakikita
Kung maaari lang sana lagi kayong nakakasama
Kung maghigpit ng kaunti huwag sanang magtaka
Bawat magulang may kani-kaniyang  mga pandama

Laging laman ng isip, sa bawat dasal ay kalakip
Larawan at alaala nyo sa aming puso ay nakaukit
Bawat araw, bawat oras, bawat sandali, bawat saglit
Halik at  yakap na mahigpit, sa amin ay sapat nang kapalit

O sige dadagdagan na namin kapalit na hinihintay
Hindi na sa amin sapat ang halik, yakap at mga kaway
PM, text o chat lang sa trabaho, byahe man o bahay
Ok na sa amin kahit hindi man panay panay

Pag may trabaho na ok na libre sa Jollibee
Ang mahalaga lang naman ay HAPPY ang FAMILY….

RMP
6/4/2016
8:40 AM
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment