Monday, October 19, 2015

RANDOM #42

alipin ng oras
sumasabay sa agos
pilit pinalalakas
damdaming kinakapos
bawat araw binibilang
diwa’y pumapailanlang
kahit saan pumaling
ramdam ano ang kulang

bawat hakbang
kailangang bilisan
bawat galaw
dapat bantayan
sanayin ang sarili
sa banyagang paligid
sumabay sa indak
kahit hirap ang pag-iisip

habol ang panahon
habol ang hininga
umiikot ang mundo
sa halagang kinikita
itinatago sa ngiti
nadaramang sakit
puso’y tinuturuan
pano maging manhid


RMP
10/1815
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment