Thursday, June 18, 2015

elbi

hinulma
ng kalikasan
ang bawat sulok
ng iyong kaanyuan

iginuhit
ng panahon
ang bawat hugis
ng iyong larawan

binuo
ng kasaysayan
ang bawat hibla
ng iyong kamalayan

bawat hakbang
alaalang di malilimutan

RMP
June 17, 2015
Winnipeg MB Canada

No comments:

Post a Comment