Friday, January 31, 2014

TRENDING

sakay sakay, sakay andami kasi ng time
pag may mabebentang isyu, tsismis o kaya ay crime
trending dito ngayon tapos trending mamaya doon
tapos magtataka kung bakit bayan ay  di makaahon-ahon

salita, salita, salita #affected much sa bias na balita
link dito link doon kung makahusga sa kapwa
karakter naibibilad tuloy napag hahalata
tapos magagalit makontra lang ng bahagya

galit sa diskriminasyon kung maka discriminate naman
kasumpa sumpa kung magbitaw ng kapintasan
damdaming hinulma mula sa daigdig ng pantasya
sambayanang biktima ng komersiyalisadong media

sulat, sulat, sulat na wala namang kabuluhan
nanatiling atrasado ang angking kamalayan
bagong teknolohiya gamit sa social media
kundi mala pelikula trend ay gasgas na pulitika

hot ngayon kasi tutok
bukas may bago ang mga hayok
rating, rating, ano ang bebenta
sponsor, sponsor heto na ang pera
ang mga isyu na biktima ang masa
itago na lang kasi walang kita
ilantad ay yung malalaki ang market
sa dami ng maloloko sigurado ang raket

ang karaniwang mga tanong
sino, kailan, saan, totoo ba talaga?
kahit wala namang mga kabuluhan
tara at makisawsaw na…

RMP
1/30/2014
Winnipeg MB Canada






No comments:

Post a Comment