kumakain ng galing sa basura
palakad-lakad sa mga kalsada
di tiyak kung saan mapupunta.
buhok na marumi ay dikit-dikit
buong katawa’y pagkalagkit-lagkit
damit na suot ay gula-gulanit
tulad ng kanyang isipang punit-punit.
nabaliw marahil dahil sa sakit
o sa dikta ng kapalarang kaylupit
hagupit ng mga bisyong pilipit
o bunga ng kabiguang kaypait.
at sarili’y ipinako
kay kamatayan ay nakikipaglaro
kaluluwa ay ibinilanggo
sa isipang naging sinto-sinto.
RMP
1999
No comments:
Post a Comment