ginugulo mga isipan
kanya-kanyang tingin
iba-ibang damdamin
di malinaw di matiyak
malabo ang binabalak
marami ang inaantok
sa isipan walang maimpok
oras ay nasasayang
talagang nakapanghihinayang
basa, daldal panay ang buklat
galing ng isipaĆ½ di nasasalat
pag ganito nang ganito
saan kaya patutungo
ang mga pagtatalo
ng mga isipang sinto-sinto?
ang sistema
ay batay sa ideolohiya
kung ano ang paniniwala
iyon ang magagawa
kung ang gusto
lagi ng Hari
ay ang manghati
upang makapaghari
ang kalidad
ng institusyon
ang siyang
laging magagapi.
RMP
April 2005
No comments:
Post a Comment