Tuesday, July 30, 2013

BREATHER

“Each person deserves a day away in which no problems are confronted, no solutions searched for.” ― Maya Angelou, Wouldn't Take Nothing for My Journey Now

it’s suffocating if we look all around
our world is shrinking and we're losing ground
expectations from all sides limiting our choice
bit by bit we realize we are losing our voice

i’ll take a breather you can come with me
leave this place for a while and rethink our journey
come fly with me to a castle in the sky
where no one can stop us in doing what we haven’t tried

for a moment or two we can free our souls
let’s move our feet away from these man-made sinking holes
i’ll take a breather you can come with me
leave this place for a while and rethink our journey

come soar with us to an infinite space
cease from worrying if we ever fall from grace
take a breather with us leave your fears behind
we’ll find a resting place for your troubled heart and mind

we all need a breather you can come with us
leave this place for a while before we break the glass
it is a brief respite from a world of constant battles
in this place we can create our own magic spells

we’ll have a world full of whites and greens
we can shape a garden filled with our hopes and dreams

RMP
7/29/2013
Revised 4/6/2017

Winnipeg MB Canada






Sunday, July 14, 2013

MITSA (Isang Pagsubok sa Pagsusulat ng Rap)

Ako'y karaniwang nilalang
Pilipino, makabayan, sa Diyos ay gumagalang
Di ko tinatanggi mga kasalanan
Kaya sana ako‘y inyong maintindihan
Kaya makinig at kayo’y mag-isip
Sa bawat katagang inyong maririnig
Sarili’y suriin habang nakikinig
Kung tinatamaan tibayan ang dibdib
Kung hindi naman kayo'y magpatuloy
Sa magandang gawang inyong inaabuloy
Wag nang magtangka na magpalaboy-laboy
At baka mahulog pa kayo sa kumunoy

Mitsa ng dinamita
Na magpapasabog
Sa katahimikang
Diyos ang may handog
Mitsa ng kasalanan
Mitsa ng kabaliwan
Ng mga taong
Makasarili't gahaman

Ikaw, ako tayo mga kapatid
Ay mga mitsa na maaaring maghasik
Ng takot, ng galit, kapariwaraan
Sa ating paligid o sa kaninuman
Ang iba sa atin ay maaaring kaaway
Ng kalikasan, nilang mga nabubuhay
Sa dagat, sa ilog, parang at bundok
Sa kabayanan, lalawigan at lunsod
Walang paggalang sa kapwa nilalang
Na nais manahimik sa simpleng buhay lang
Walang pakundangan, walang pakialam
Tanging sarili ang inaalagaan

Mitsa ng dinamita
Na magpapasabog
Sa katahimikang
Diyos ang may handog
Mitsa ng kasalanan
Mitsa ng kabaliwan
Ng mga taong
Makasarili't gahaman

Ang iba naman ay nasa tuktok
Mga lider na sa poder nakaluklok
Na sa halip maghagis ay panay ang dakot
Lamon, lunok, talagang sobrang hayok
Mayaman na gustong magpayaman pa
Sobrang dayukdok halang ang kaluluwa
Anino ng demonyo bakas sa pagkatao
Mga nilalang na dala ay dilubyo
Karapatang pantao ay nilalabag
Mga otoridad na hindi binabagabag
Ng konsensiya pagkat ito’y naglaho na
Buhay pa pero sunog na ang kaluluwa

Mitsa ng dinamita
Na magpapasabog
Sa katahimikang
Diyos ang may handog
Mitsa ng kasalanan
Mitsa ng kabaliwan
Ng mga taong
Makasarili't gahaman

Kahit pangkaraniwang mga nilalang
Ay nagiging mitsa rin ng kabaliwan
Nagpapagamit at nangwawasak
Makaangat lamang kahit gumapang pa sa lusak
Perhuwisyo numero uno sa pagkakalat
Pag nabigo gustong isama ang lahat
O ano ba itong mga nagaganap
Pati mga relihiyon nagsisipagpanggap
Animo mga banal kung magsipagdasal
Ngunit ang katauha’y daig pa ang hangal
Pati Diyos ginagamit, pati ang gintong aral
Upang makakolekta ng perang sandamukal

Mayaman, mahirap, maliit man o malaki
Walang hahantungan pag tanging sarili
Ang inisip at binigyang halaga
Pag iniisip ay bahala ako, bahala ka
Mga nananamantala sa kahinaan ng iba
Sigurista, oportunista walang inaalala
Tsismis, droga, mga pandaraya
Pananakit, pagpatay mga paninira
Responsibilidad wag sanang takasan
Tanggapin, harapin mga kasalanan
Wag magtago at pilit na labanan
Ang batas, ang parusa ng katotohanan

Mitsa ng dinamita
Na magpapasabog
Sa katahimikang
Diyos ang may handog
Mitsa ng kasalanan
Mitsa ng kabaliwan
Ng mga taong
Makasarili't gahaman

Ikaw, ako tayo mga kapatid
Ay mga mitsa na maaaring maghasik
Ng takot, ng galit at kapariwaraan
Sa ating paligid o kaninuman
Kaya ating isipin at pakasiguruhin
Ang ating prinsipyo, ang ating damdamin
Wag ang anyo na nasa salamin
Ang pagbatayan kundi ang laman ng puso natin
Ating alamin anong uri ng panlasa
Mayroon tayo pagkat yan ay mahalaga
Ang katotohanan dapat na ipakita
ang laman ng bibig siyang amoy ng hininga.

Kayrami nang huwad wag nang padagdag
Kayrami nang baliw wag nang magsitulad
Kayrami nang taksil wag nang magpanggap
Kayrami nang salarin wag nang pakaladkad

Break it down! Peace!

RMP
7/14/2013

SEDATED

sinking into depression
i need a way out
a quick relief I guess
to prevail over my doubts
the scene is not inviting
danger is creeping around
one small mistake
my ship will run aground

my strength is dwindling
the vision is not clear
i’m hallucinating
there are voices that I hear
shadows are chasing me
i am running into oblivion
my space is shrinking
i can no longer carry on

sedate me, sedate me
i need a quick reprieve
feel nothing
feel nothing
i want to fall asleep

the dose isn’t enough
my mind is still awake
my world’s still moving
i need to hit the break
my heart is pounding
i can feel it in my chest
sedate me, sedate me
i need to take a rest

all I need is time
to slowly recuperate
regain my strength
to unlock the prison’s gate
i will rise above my fears
remove the ghost that I created
but for the meantime
please still keep me sedated

sedate me, sedate me
i need a quick reprieve
feel nothing
feel nothing
i want to fall asleep

i will rise above my fears
remove the ghost that I created
but for the meantime
please keep my mind sedated

RMP
7/14/2013

Monday, July 8, 2013

PEYSBUK

Di makali kapag hindi makapag bukas
Ilalagay sa status o update kailangang mailabas
Ulam ba sa agahan, tanghali o hapunan
O kaya’y pics sa mga lugar na pinanggalingan

Solo pics na iba iba ang mga posing
Videos na napanood nakalaan for posting
Bdays, anniversaries, outing at mga binyagan
Graduation, parties, kasalan at mga lamayan

Family pics, medals, iba’t ibang awards
Bagong gadgets man at approved na credit cards
Pics sa fastfoods, sosing resto at iba pang gimikan
Name it, they have it everything under the sun

Sa bahay, sa iskul, simbahan at mga opisina
Sa oras ng trabaho at pamamahinga
Sisimple di mapigil kailangang malaman
Kung may naglike sa mga comments at posted na larawan

Invite, confirm, like, share and promote
Okey na venue pag gustong mag emote
Anger, angsts, frustrations pati kulo ng tyan
Antok, pagod, sakit, tagiyawat pati na ang an-an

Lagay ng lagay malalim o mababaw man
Kailangang magparami ng mga kaibigan
Pag may bago ilagay at palitan ang luma
What’s on your mind ipaalam sa madla

Farmville, friends for sale, pet society
Candy crush, mafia wars daming activity
Quotable quotes, sayings hiram man o sarili
Tag, untag, like, unlike, invites na nakakakunsumi

Pag personal ang mensahe ay chat ang gamit
Sa notifications tyak pag click ay malimit
Gamit sa negosyo pabango, sapatos o damit
Malayo man ay napag lalapit

Travels, competitions, mga adventures
Laging may space sa updates and features
Bagong kotse, bagong bahay at bagong buhay
Bagong syota, bagong patama sa mga kapitbahay

Kontrobersya artista man o pulitiko
Pasaring sa kapwa karaniwan na dito
Patama sa kaaway, tirada sa gobyerno
Laki ng space para sa palakihan ng ego

It seems unlimited pwedeng ilagay
May sense man o wala posting panay panay
Trip trip lang ang iba, seryoso ang karamihan
Basagan ng trip pati na ang laglagan

Lahat ng nasabi ay obserbasyon lang
Kayo na magdagdag kung anuman ang kulang
Reality check ito at hindi paninira
Sa space ng PEYSBUK dami tayong maipupunla

Yun nga lang dapat maging responsable
Ingat sa ilalagay wag basta dale ng dale
Bawat posting mo ay posibleng repleksyon
Ng pagkatao mo at nang iyong posisyon

5/26/2013
RMP

Sunday, July 7, 2013

IT WILL NEVER BE THE SAME

the code is broken a secret is known
the words are seen a cover is blown
a breach of trust is pointing to a name
i guess our lives will never be the same

nowhere to run i traverse an empty road
within me is a heart that is ready to explode
a storm is brewing darkness blinds my eyes
it will never be the same suddenly I realized

it will never be the same
it’s now a waiting game
we can wait and see
but it will never be the same

the stakes are high the threat is real
whatever I do it won't be a done deal
a dead end is waiting if I won’t change my aim
i know it will never it will never be the same

lurking in the shadows is a painful reality
the end of this battle is nothing but misery
i have to get out of this fantasy
while I have the chance to set our hearts free

it will never be the same
it’s now a waiting game
we can wait and see
but it will never be the same

RMP
7/7/2013

UGAT

nais kong balikan ang nakaraan
upang tuklasin limot na kasaysayan
nais kong tahakin nilakbay nilang daan
nang maidugtong ko buhay na kinagisnan

pagkakakilanlan na hinulma ng panahon
karanasang kaytagal na inipon
di sapat kahit mga pagkakataon
upang yakapin nakagisnang panginoon

kamalayang nilikha ng banyagang diwa
sumasalamin sa lipunang isinumpa
ugat na pinagmulan lantarang tinalikdan
daang tinatahak patungo sa kanluran

limot na ang ugat ng pagkakakilanlan
wala na ang apoy ng ating kasarinlan
kathang isip na lamang tunay na kasaysayan
liwanag ng katotohanan tinakpan na ng karimlan

RMP
7/7/2013


ANAKPAWIS

bilad sa initan babad sa ulanan
mabigat na kargada sa balikat ay tangan
pabalik-balik hanggang maisalansan
ang mga kargadang pinagkakakitaan
halo ng semento buhangin at graba
kailangang matapos ginagawang kalsada
hakot ng hollowblocks sampa sa scaffolding
trabaho’y di natatapos kahit na dumilim

kilos anakpawis, kilos manggagawa
huwag ikahiya pagiging maralita
kilos anakpawis, kilos manggagawa
sa inyo nakasalalay kaunlaran ng bansa

tanim ng punla ani ng bunga
sa lupang kaytagal na niyang sinasaka
kahit baon sa utang at pagod ang katawan
patuloy ang pagsasaka nang may makain ang bayan
pumapalaot kahit malakas ang unos
di alintana ang lakas ng agos
kailangang may malambat nang may maipagbili
kahit binabarat presyo ng nahuli

kilos anakpawis, kilos manggagawa
huwag ikahiya pagiging maralita
kilos anakpawis, kilos manggagawa
sa inyo nakasalalay kaunlaran ng bansa

kontraktwal sa industriya bukas sa pananamantala
karapatan inaapakan ng mga kapitalista
kahit na gipit pilit na kumakapit
subsob sa trabaho kahit ang bayad ay di sulit
iba’t ibang sitwasyon, iba’t iba ang kwento
subalit ang biktima ay magkakapareho
magsasaka, mangingisda at ang uring manggagawa
anakpawis na biktima nagdarahop, maralita

kilos anakpawis, kilos manggagawa
huwag ikahiya pagiging maralita
kilos anakpawis, kilos manggagawa
sa inyo nakasalalay kaunlaran ng bansa

RMP
7/5/2013

TULOY ANG BYAHE

malakas man ang ulan
o matindi ang sikat ng araw
maluwag man ang trapiko
o kahit halos di ito gumagalaw
di magsasawa
kahit katawan ay pagod
tuloy ang byahe
kailangang kumayod

tapak sa clutch
hawak sa kambiyo
tapak sa silinyador
tapak sa preno
mata sa kalsada
lingon sa kaliwa, likod at kanan
pasahero’y ihahatid
sa kanilang pupuntahan

tuloy ang byahe
tuloy ang buhay
kailangang kumayod
may pamilyang naghihintay

makulit na pasahero
enforcers na pasaway
boundary nababawasan
pag kailangang maglagay
pag minamalas
holdaper maisasakay
manlilimas sa loob
sa kaso’y madadamay

tagaktak ang pawis
habang binibilang
kinita sa maghapon
o kaya’y sa magdamagan
pipikit ng sandali
at mananalangin
magpapasalamat
sa biyayang dumating

tuloy ang byahe
tuloy ang buhay
kailangang kumayod
may pamilyang naghihintay

tuloy ang kayod
tuloy ang pasada
tuloy ang ikot
ng gulong at manibela
tuloy ang byahe
tuloy ang buhay
sana’y dumating
pag-asang hinihintay

tuloy ang byahe
tuloy ang buhay
kailangang kumayod
may pamilyang naghihintay

RMP
7/5/2013